Heart Puzzler
Isa akong batang may sakit na leukemia, isa ka ring batang may sakit na leukemia. Naging magkatabi yung higaan natin sa ward ng isang ospital. Naging magkaibigan tayo.
Sa ibabaw ng lamesa mo, may isang malaking teddy bear na nakapatong. Sabi mo sa akin, mtagal na syo yun. Mahal na mahal mo at iniingatan kasi matagal bago mo nakuha yun, matagal bago binigay ni Lord sa iyo.
Isang araw, may dumating kang bisita, ninang mo yun. May dalang
isang napakagandang bagong teddy bear. Sa anak daw niya yun,
pinahiram lang sayo. Pagdating daw nun galing U.S, saka na lang nya kukunin ulit sa iyo. Pero matagal pa yun.
Ang ganda talaga nung teddy, mas maliit nga lang yung nasa mesa mo, pero mas maganda yung kulay netong bago.Tuwang tuwa
ka. Sinasabi mo sa akin na pakiramdam mo, malapit ka ng gumaling dahil sa bago mong teddy. Ako naman, tuwang tuwa din para sa iyo, gusto ko kasi yung masaya ka kasi kaibigan kita. Lagi mong katabi sa pagtulog yung laruan, halos ayaw mong ihiwalay sa katawan mo. May mga gabing nagigising ako sa iyak mo, tapos makikita kong yakap mo yung teddy at dun ka umiiyak, dun mo isinusumbong kung gaano kasakit yung nararamdaman mo. Tapos, iiyak na rin lang ako kasi naaawa ako sa’yo.
OO, maganda talaga yung teddy bear mo, dati kasi may ganun din ako kaya lang, nawala. Hindi ko na matandaan kung paano. Parang ganun din yung itsura at epekto sa akin nun. Pero talagang mas maganda yung kulay ng manika mo.
Tuwing sinasalinan ka ng dugo at iniaalis sa kwarto natin, sa akin
mo iniiwan yung teddy bear. Sa akin mo pinagkakatiwala. Mabait ka
naman kasi eh, alam mong wala akong laruan, kaya minsan talagang pinapahiram mo sa akin yun. Lagi mongpinagbibilin na ingatan ko’
yung manika at alagaan. OO naman, gandang ganda ako dun sa laruan eh. Sa dalas na nasa akin yun, sobra ko nang nagustuhan.
Nakakaramdam na ako ng inggit, mali na ‘to. Sa’yo kasi yun. Wala
akong karapatan dun. Pero hindi nga rin pala iyong-iyo dahil hiniram mo lang din yun. Pero mas nararapat ka kasing magmay-ari kay Teddy Bear, kaya sa isip ko, sa paniniwala ko sayong sayo siya. Nahihiya akong sabihin sa’yong yung manika mo na rin yung
kinukuhanan ko ng pag-asa, na siya na rin yung kinukuhanan ko ng
saya. Mali ba yun? hindi ko naman inaagaw eh, tinitingnan ko lang
mula sa malayo. May isa ka pa namang teddy bear eh, yung nasa mesa mo. Halos kinalimutan mo na nga yun dahil sa bagong mong laruan. Nakakaawa siya. Naawa din ako sa sarili ko dahil hanggang tingin lang ako. Pero ito kasi yung tama. Hindi ko dapat agawin at gustuhing mapasaakin yung isang bagay na tanging kinukuhanan mo ng lakas. Na tanging kinukuhanan ko rin ng lakas.
Eto ang tanong, kung kayo yung batang kaibigan ko, ipapaubaya mo ba sa akin yung manika? Hahayaan mo ba kong maging masaya? Pero ayaw kong kunin sa yo yun, baka kasi ikamatay ng pag-asa mong patuloy na kumapit sa buhay. Ibibigay mo sa akin yun? Paano kung hindi manika yung tinutukoy ko? Paano kung siya????? Ayaw kitang saktan…
